We will always try to update and open chapters as soon as possible every day. Thank you very much, readers, for always following the website!

Nang Namulat Ang Kanyang Mata

Kabanata 1
  • Background
    Font family
    Font size
    Line hieght
    Full frame
    No line breaks
  • Next Chapter

Kabanata 1

Ngayon ang araw ng kasl ng Avonsville socialite na si Avery Tate, ngunit walang groom na

nagpaparamdam.

Hanggang ngayon, ang groom na si Elliot Foster ay parang gulay pa rin simula nang mangyari ang

aksidente at ayaw na ring mangako ng mga doktor at paasahin pa ang pamilya nito, kaya idiniklera ng

mga ito na imposibleng makaabot pa siya hanggang sa matapos ang taon.

Kaya naman sa naisipan kanyang nagluluksang ina na ipakasal siya bago pa siya tuluyang mawala.

Isa ang mga Foster sa mga kilalang mayayamang pamilya sa Avonsville, pero wala naman sigurong

dalaga mula sa isang socialite na pamilya at nasa tamang pag-iisip ang nanaising magpakasal sa

isang taong naghihintay nalang ng kamatayan.

……

Nakaupo sakanyang vanity, suot ni Avery ang isang napaka gandang puting wedding gown na

sinabayan pa ng napaka eleganteng makeup, at kahit sinong makakita sakanya ay talagang

mapapanganga dahil sobrang ganda niya.

Ngunit sa kabila nito, mababakas sakanyang mapupungay na mga mata ang pagka-aligaga.

20 minutes nalang bago mag umpisa ang ceremony pero hindi mapakaling paulit-ulit na nagsslide

sakanyanng phone si Avery dahil sa isang text message na kanina niya pa hinihintay ngunit hindi

dumarating.

Bago siya piliting magpakasal kay Elliot, mayroon siyang boyfriend, ngunit ang mas masaklap ay

nagkataong pamangkin pa ito ni Elliot, si Cole Foster.

Ngunit ni minsan hindi nila sinabi sa kahit kanino ang tungkol sakanilang relasyon.

Kagabi, tinext niya si Cole na kung maari bang itanan na siya nito at umalis na sila ng Avonsville ngunit

kahit na buong magdamag siyang naghintay, walang Cole Foster ang nagparamdam.

Hindi niya na kayang maghintay..

Habang inaayusan, bigla siyang tumayo at hindi mapakaling nagpaalam na lalabas muna sandali.

Mabilisan siyang naglakad sa corridor ngunit bigla siyang natigilan nang madaanan ang isang kwarto.

Nakarinig si Avery ng isang pamilyar na tawa at nang sumilip siya mula sa bahagyang nakabukas na

Follow current on NovelEnglish.net

pintuan, nakumpirma niyang ang kanya ngang kapatid ito na si Cassandra.

“Pustahan tayo! Hanggang ngayon, naghihintay pa rin sayo Cole ang bobo kong kapatid. Ano kaya

kung puntahan mo siya at paasahing tutulungan mo siya. Patay tayo kapag biglang nagbago ang isip

niya at umatras sa kasal!”

“Sa tingin mo ba makakaatras pa siya ngayon?” Niyakap ni Cole si Cassandra mula sa likuran nito at

hinalikan ang leeg nito. “Kahit pa tumakas siya ngayon, siguradong kakaladkarin lang siya pabalik ng

mga guard at ingungudngod sa altar!”

“Sigurado akong mababaliw yang Avery na yan kapag nalaman niya na sa akin ka umuuwi tuwing

gabi!” Tumatawang sagot ni Cassandra.

Sa sobrang bigat sa puso ng mga narinig ni Avery, pakiramdam niya ay para bang mahihimatay na

siya.

Napahawak siya ng mahigpit sakanyang wedding gown habang pinipigilan ang sarili niyang umiyak.

Dahil sa pagbagsak ng kanilang kumpanya, hindi kinaya ng kanyang tatay at hanggang ngayon ay

bedridden ito sa ospital.

Ito ang nakitang pagkakataon ng kanyang stepmother, na si Wanda Tate, na iarrange marriage siya

kay Elliot para sa yaman. Noong mga panahong kinukumbinsi siya nito, pinapalabas nito na gusto lang

siya nitong magkaroon ng kinabukasan ngunit hindi tanga si Avery at alam niyang paraan laman ‘yun ni

Wanda para umalis na siya sa bahay nila.

Sobrang sakit na ng mga nangyayari kay Avery pero ang pinaka hindi niya matanggap sa lahat ay ang

taong minahal at pinagkatiwalaan niya ng sobra ay malalaman niyang ginago at pinagtaksilan pala

siya.

Ngayon lang naging malinaw sakanya ang lahat kung bakit ganun-ganun nalang na pumayag si Cole

na magpakasal siya. Nangako pa ito sakanya na sa oras na mamatay si Elliot, papakasalan siya

nito…

Nang oras na ‘yun, lahat ng pag-asa at pangarap na pinanghahawakan niya ay biglang naglaho. Hindi

niya alam kung anong gagawin niya, parang may sumasakal sa leeg niya at hindi siya makahinga.

Habang walang kaide-ideya ang mga tao sa loob ng kwarto na narirnig niya ang lahat, ang kanyang

maamong mga mata ay biglang napuno ng puot.

Ilang taon siyang nagtiis sa pang-aapi ng kanyang stepmother at stepsister dahil sinasaalang-alang

niya ang kapakanan ng kanyang tatay. Ilang pagmamaltrato ang tiniis niya para lang sa pamilya na

kahit kailan ay hindi siya naging parte.

Tama… masyado siyang nagpaka tanga at nagpakamanhid…

Pero ngayon? Wala ng kahit sino ang pwedeng magpaikot at mang’maliit sakanya!

Oras na para bawiin niya ang totoong kanya!

Hindi nagtagal, nagumpisa na ang seremonya.

Suot ang kanyang wedding gown at hawak ang isang bouquet ng bulaklak, dahan-dahang naglakad si

Avery sa aisle kasabay ng isang napaka romantic na kanta.

Sinabi niya ang kanyang vow at isinuot ang wedding ring sakanyang sariling daliri.

Halata sa itsura ng mga tao na naguguluhan sila, pero wala siyang pakielam.

Mula ngayon, siya na si Mrs. Foster, at wala ni isa ang kakayaning bumangga sakanya.

Ngunit, ang kanyang asawa, na pinapaikot lamang ang buong Avonsville sa palad nito, ay kaunting

araw nalang ang nalalabi sa mundong ibabaw.

……

Noong gabing yun, sa mansyon ni Elliot na umuwi si Avery.

Ito ay nakatirik sa pinaka mayamang district ng siyudad at nasa tinatayang 150 milyung dolyar ang

halaga nito.

Bago pa man malibot ng mga mata ni Avery ang layout ng mansyon, bigla siyang kinaladkad ni Mrs.

Cooper sa master’s bedroom.

Agad niyang nakita ang isang lalaki na nakahiga sa mala-higanteng kama. Dahan-dahan siyang

naglakad at pinagmasdan ang mukha nito.

Tila ba inukit ang mukha nito sa sobrang pagka perpekto, at awra palang nito, halatang mayaman at

sobrang taas na tao na.

Marahil sa tagal na rin nitong hindi naarawan, sobrang puti nito, kaya hindi matagal ni Avery ang

kanyang pagkatitig dito.

Kung wala itong sakit, sino ba naman siya para mapangasawa nito?

Bago ito ma’bed-ridden dahil sa aksidente, si Elliot ay isang makapangyarihang personalidad ng

Follow current on NovelEnglish.net

bansang Arydelle dahil ang pagmamay-ari nitong Sterling Group ay isa sa top ten corporation sa buong

bansa.

Ang bali-balita ay masama at matapobre raw ang ugali nito at bukod sa mga legal nitong negosyo,

marami rin itong ilegal kaya wala talagang kahit sino ang maaring bumangga rito.

Kahit kailan hindi dumampi sa isip ni Avery na makakapag asawa siya ng isang taong katulad ni Elliot.

Sa kalagitnaan ng kanyang malalim na pag-iisip, biglang bumukas ang pinto.

Si Cole!

“Avery, patawarin mo ako kung ngayon lang kita napuntahan. Sobrang naging busy lang talaga ako.”

bungad ni Cole na may mukhang para talagang sobrang nag-aala para kay Avery.

“Asawa na ako ng uncle mo.” Walang emosyong sagot ni Avery. “Kailangan ko pa bang ituro sayo kung

paano mo ako dapat tawagin?”

“Alam kong galit ka. Hindi ko kinunsinti ang gusto mo dahil ayokong lalo kang maghirap sa buhay.

Aminin man natin o hindi, parang patay na rin si Uncle Elliot, kaya hindi ka na mahihirapan maging

asawa niya. At kapag tuluyan na siyang mamatay, ikukuha kita ng isang magaling na lawyer para

makuha mo ng buo ang lahat ng iiwanan niya.

Dali-daling kinuha ni Cole ang mga kamay ni Avery at nagpatuloy, At kapag nangyari yun, lahat ng

kanya at magiging atin!”

Habang pinapakinggan si Cole, hindi maalis sa isip niya ang mga narinig niya kaya lalo siyang nagalit.

“Bitawan mo nga ako!” Galit na galit na sabi ni Avery habang inaalis ang kanyang kamay mula sa

pagkakahawak ni Cole.

Hindi inaasahan ni Cole na ganun ang magiging reaksyon ni Avery. ‘Bakit parang ibang Avery ang

nakilala ko?’

Nasanay siya sa isang Avery na napaka bait at malumanay at ang Avery na ‘yun kahit kailan at hinding

hindi siya sisigawan.

Hin… hindi kaya may nalaman ito?

Noong oras na yun, ramdam na ramdam ni Cole ang pagkakonsensya kaya lumapit siya kay Avery

para sana magpaliwanag.

Ngunit may biglang nangyari… Napalingon si Cole sa taong nakahiga sa tabi ni Avery at biglang

nanlaki ang kanyang mga mata sa sobrang pagkagulat.

“I…I….Ikaw…” Pautal-utal na sabi Cole.

At hindi nagtagal, ang Elliot, na nakahiga pa rin sa kama, ay dahan-dahang iminulat ang mga mata

nito.